Pfizer Inc., target makagawa ng 1.3 bilyong doses ng bakuna sa 2021

Tinatarget ng Pfizer Inc. na makagawa ng 1.3 bilyong doses ng bakuna sa 2021.

Kasunod ito ng nakatakdang aplikasyon ng Pfizer para sa Emergency Use of Authorization (EUA) bago matapos ang Nobyembre para sa kanilang COVID-19 vaccine na una nang lumabas na 95% na epektibo.

Ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Romualdez, tinatayang limang dolyar kada shot ng COVID 19 vaccine ang halaga na kayang ibigay ng kompanyang Pfizer sa Pilipinas.


Alam naman kasi aniya ng Pfizer na nasa tama lang ang estado ng bansa kaya’t handa itong sumingil ng hindi naman ganun kamahal para sa Pilipinas bilang kaalyado rin ng Amerika.

Bukod sa Moderna, sinabi rin ni Romualdez na nariyan ang Johnson & Johnson na puwedeng pagkunan ng supply pero maaaring sa susunod na buwan pa bago ito maisaayos.

Facebook Comments