Pfizer, pinaplantsa pa ang pag-a-apply ng Certificate of Product Registration sa Pilipinas

Pinag-uusapan pa ng vaccine manufacturer na Pfizer sa kanilang headquarters kung kailan sila mag-a-apply ng Certificate of Product Registration sa iba’t ibang bansa kasama na ang Pilipinas.

Ito ang tugon sa ipinadalang requirements ng Food & Drug Administration (FDA) for product registration ng Pfizer.

Mula sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni FDA Director General Usec. Eric Domingo handa na silang tanggapin ang aplikasyon sakaling magsumite na ang Pfizer.


Sa ngayon, sinabi ni Domingo na nire-rebisa na rin ng regulatory board ang mga dokumentong ipinasa ng Pfizer mula sa unang full approval ng US FDA para kapag nag-apply na sila rito sa bansa ay mas magiging madali na ang pag-apruba.

Kapag nakakuha na ang Pfizer ng Certificate of Product Registration ay pwede na itong maibenta sa mga botika at ospital at pwede na rin itong ireseta ng mga doktor para sa mas mabilis na access sa bakuna.

Facebook Comments