Humingi na ng saklolo sa Philippine National Red Cross ang Philippine General Hospital (PGH)kaugnay ng pagdami ng pasyente nilang nalason dahil sa pag-inom ng lambanog sa Rizal, Laguna
Ayon kay PGH Medical Director Jonas Del Rosario, nagsisiksikan na sa kanilang emergency room ang mga pasyenteng isinugod mula sa Rizal, Laguna.
Nilinaw naman ng pamunuan ng PGH na mula sa 69 na pasyente ay 68 na lamang ang naka-confine sa kanila dahil nakauwi na ang isang pasyente.
Gayunman, isa aniya sa mga pasyente ay isasailalim na sa dialysis para matanggal ang asido sa dugo nito.
Kinumpirma rin ni del Rosario na pinakabatang biktima na dinala sa kanila ay trese anyos.
Nilinaw naman ni Del Rosario na sa labing-isang namatay sa pagkalasob sa lambanog, wala aniya ditong na-confine sa PGH.
Sa ngayon aniya, siyam na pasyente nila ang nasa red zone, 42 ang nasa yellow zone at labing-pito ang nasa green zone.
Muli naman umapela ang DOH sa iba pang mga nakainom ng lambanog na tulad ng nakalason sa mga biktima na agad na magpadala sa ospital sa sandaling makaramdam ng mga sintomas para maagapan ang pag-kalat ng asido sa dugo.