Suspek na Bumaril sa Kapatid, Kakasuhan Ngayong Araw!

97

*Cauayan City, Isabela-* Nakatakdang sampahan ngayong araw ng kasong murder o pagpatay ang suspek na bumaril sa mismong kapatid na empleyado ng Barangay sa Brgy. Dipangit, Jones, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt Florencio Molina Jr., Deputy Officer ng PNP Jones, matagal na umanong may alitan ang suspek na si Ferdie Samut, 50 anyos, may asawa, isang magsasaka sa kuya nito na si Damian Samut, 51 anyos, may asawa at empleyado ng kanilang barangay.


Nagkasalubong umano sa daan ang dalawang magkapatid at nagkaroon ng komprontasyon at alitan hanggang sa nauwi sa pamamaril gamit ang isang Caliber 30 Carbine.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa mukha at dibdib ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon aniya sa suspek, matagal na nitong pinaghahandaan ang kanyang kuya dahil sa matagal na nilang alitan.

Facebook Comments