PGH, target makapagbalik-operasyon ngayong linggo

19

Umaasa ang Philippine General Hospital (PGH) na maibabalik ang kanilang operasyon ngayong linggo kasunod ng nangyaring sunog sa bahagi ng gusali nito kahapon.

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, kinakailangang mabuksan muli ang ospital lalo’t itinuturing itong major COVID-19 referral hospital ng bansa.


Target din ng ospital na tumanggap muli ng mga pasyente simula bukas.

Samantala, bukod sa tubig, pagkain at oxygen tanks, umaapela rin ang PGH ng donasyong breast milk para sa mga bagong anak na sanggol sa kanilang ospital.

Nabatid na apektado rin ng sunog ang linya ng kuryente para sa mga refrigerator nito o milk bank.

Facebook Comments