Senior citizens, humiling ng sariling grocery hour sa IATF

Hiniling ng mga senior citizen sa Inter-Agency Task Force (IATF) na magkaroon sila ng sariling grocery hour para makaiwas sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Senior Citizen Party-List Rep. Rodolfo OrdaƱes na nais nilang mailaan sa senior citizens ang alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng umaga para makapamili kung saan wala pa masyadong taong lumalabas.

Sumulat din sila sa IATF para hilingin na gawing house-to-house ang pagbabakuna sa mga senior citizen na edad 70 pataas.


Pero sa ngayon, wala pa silang natatanggap na positibong tugon mula sa pamahalaan.

Facebook Comments