PGH, wala pang nakukuhang kapalit sa mga umalis na volunteer doctors

Wala pang nakukuhang kapalit na volunteer doctors ang Philippine General Hospital (PGH) mula sa Department of Health (DOH).

Ito ang inihayag ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario matapos hindi na mag-renew sa kanilang kontrata ang karamihan sa volunteer doctors.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Del Rosario na malaking bagay sana kung hindi sila kulang sa tao para magpatuloy ang serbisyo sa mga non-COVID patients.


Dahil dito kasi ay humuhugot na lamang sila mula sa ibang departamento para matugunan ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Samantala, sa ngayon ay wala na rin daw silang supply ng Tocilizumab bilang gamot sa COVID-19 at naghihintay pa ng panibagong delivery mula sa pamahalaan.

Facebook Comments