PH Air Force, binuksan ang tanggapan sa mga aspiring military officer at enlisted personnel

Kasunod ng ika-72 taong anibersaryo ng Philippine Air Force, binuksan ngayon ng Philippine Air Force Personnel Management Center (PAFPMC) ang kanilang tanggapan sa mga nagnanais na maging military officer at enlisted personnel.

Sa interview ng Centro Serbisyo ng DZXL 558 RMN Manila kay Air Force Procurement and Testing Department Head Captain Quinnie Aguilan, ibinahagi nito ang mga kwalipikasyon sa mga aspiring military officer at enlisted personnel na papasok sa air force.

Para sa mga nagnanais na maging opisyal, kinakailangan na college graduate at may age limit na 21 hanggang 29 years old.


Habang ang mga candidate soldiers ay at least 72 units ang nakuha sa kolehiyo o K-12 graduate at may age limit na 18 hanggang 26 years old.

Tinatayang aabot sa 37,000 pesos hanggang 50,000 pesos ang naghihintay na sweldo para sa mga military officers at candidate soldiers.

Sa mga nagnanais na mag-apply maaring pumunta sa DZXL 558 RMN Manila at hanapin ang Radyo Trabaho team o kaya ay mag-walk in sa tanggapan ng Philippine Air Force o mag-registered online sa kanilang official website sa www.paf.mil.ph.

 

Facebook Comments