Nagsisimula nang makaahon ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Domiguez III sa harap ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng kinahaharap na krisis bunsod ng COVID-19.
Ayon sa kalihim, naabot na ng bansa ang pinakamababang bahagi ng ekonomiya noong Abril hanggang Mayo.
Ipinagmalaki rin ni Dominguez na nananatiling pinakamalakas ang piso na currency sa buong Asya.
Umaasa rin si Dominguez na tuluyang mabubuksan ang ekonomiya ng bansa oras na magkaroon na ng bakuna.
Facebook Comments