Paghuli sa mga magka-angkas sa motorsiklo na walang barrier, ipinaalala ng JTF COVID Shield na magsisimula na bukas

159

Umaasa ang Joint Task Force (JTF) COVID Shield na makalipas ang tatlong linggong grace period para maglagay ng barrier ang authorized couples na magka-angkas sa motorsiklo ay makakasunod na ang mga ito simula bukas.


Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lieutenant Gen. Guillermo Eleazar, simula bukas, August 1, 2020, huhulihin na ang magka-angkas na walang prescribed barrier.

Ito kasi aniya ang guideline ng National Task Force Against COVID-19 na kanila namang ipinatutupad.

Una nang inaprubahan ng gobyerno ang dalawang prototype para sa motorcycle barriers.

Una ang proposal ni Bohol Government Arthur Yap na gumagamit ng plastic barrier na may steel frame at ang disensyo ng Angkas na parang backpack.

Paglilinaw ni Eleazar, hindi nila pinipilit na maglagay ng barrier sa motorsiklo pero dapat ay huwag silang mag-aangkas.

Facebook Comments