Itinanggi ng Philippine Embassy sa Libya ang ulat na umalis na ang kanilang mga opisyal at inabandona ang mga Filipino sa gitna ng nararanasang civil war doon.
Ayon kay Ambassador Elmer Cato, wala silang plano na iwan ang Filipino community.
Aniya, mananatili sila sa Libya sa kaparehong paraan na ginawa ng mga unang opisyal ng embahada.
Sinabi pa ni Cato na kahit pa sa pinakamarahas na sitwasyon sa kasaysayan ng Libya, hindi kailanman isinara ng Pilipinas ang embahada sa Tripoli o hindi kaya ay pinaalis ang staff nito.
Facebook Comments