PH envoy na nagmaltrato sa isang kasambahay, sinibak ni Pangulong Duterte

Inalis na sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro dahil sa pagmamaltratong ginawa nito sa kanyang kasambahay.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na inaprubahan niya ang rekomendasyong i-dismiss ang envoy.

Bukod sa natanggal siya sa kanyang serbisyo, si Mauro ay nahaharap sa sumusunod na parusa:


–              Kanselasyon sa kanyang eligibility

–              Pagbawi ng retirement benefits

–              Perpetual disqualification mula sa public office

–              Pagbabawal na kumuha ng civil service examination

Ipinaalala ng Pangulo sa mga government officials na ang anumang maling kanilang gagawin ay babalik din sa kanila.

Si Mauro ay itinalagang ambassador ng Pilipinas sa Brazil noong Pebrero 2018 at unang itinalaga bilang consul general sa Philippine General Consulate sa Milan, Italy.

Facebook Comments