Nanawagan si Philippine Ambassador to Budapest Frank Cimafranca sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at sa mga manpower agencies na bigyan ng panahon ang paglilikas ng mga Filipino seafarers sa Ukraine.
Ayon kay Cimafranca, ang kapakanan at kaligtasan ng mga marino ang kanilang pangunahing responsibilidad.
Aniya, dapat tulungan ng POEA at manpower agencies na ilikas sa ligtas na lugar ang mga Filipino seafarers at sagutin ang gastos ng mga ito.
Batay sa Department of Labor and Employment (DOLE), 146 Filipino seafarers sa Ukraine ang nananatili sa kanilang barko, 49 ang nailikas na at 277 ang na-repatriate o napauwi na ng bansa.
Facebook Comments