LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES, UMARANGKADA NA NG MALASIQUI

Umarangkada na rin ang limited face-to-face classes sa Catalino D. Cerezo National High School (CDCNHS) sa Malasiqui, kasabay ng pagsasailalim sa Alert Level 1 at da patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Sa datos na inilahad ni Dr. Larry C. Abrera, Principal ng CDCNHS, 170 na Junior High School students ang pumasok sa unang araw ng klase at 70 Senior High School students para sa panghapon.
Sa kabuuan ay may 481 mag-aaral sa CDCNHS ang lumahok sa naturang face-to-face classes.

Inaasahan namang madaragdagan pa ang bilang ng mga mag aaral na lalahok sa naturang programa. | ifmnews
Facebook Comments