Itinanggi ni Philippine Ambassador to the United State Jose Manuel Romualdez na mayroong mga backdoor negotiation ang Pilipinas at Amerika kaugnay ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Kasunod ito ng anim na buwan pagpapalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng suspensyon ng VFA ng termination.
Ayon kay Romualdez, walang nagaganap na patagong negosasyon dahil bukas naman ang pamahalaan pagdating sa usapin ng VFA.
Aniya, mahalaga ang relasyon ng Pilipinas at Amerika at ang VFA ay isa lamang aspeto ng kooperasyon at mahaba taong samahan ng dalawang bansa
“Aside from the fact that of course, our relationship with the United States is a very important one, so itong VFA is one of the many aspects of our relationship outside of the economic and of course the special relationship in terms of how many years we’ve had up to this year. We celebrated 75 years of our diplomatic relations ‘no,” ani Romualdez.
Giit ni Romualdez, umaasa siyang magpapatuloy ang VFA dahil mutually beneficial naman ito at nakatulong sa ating militar batay na rin sa makailang beses na pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.