Pagbabakuna, hindi sapilitan – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang pilitan sa pagbabakuna.

Kasunod ito ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikulong ang mga tatangging magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, iiral pa rin ang paglagda sa consent form ng mga indibidwal na magpapaturok ng kahit anong bakuna.


Naniniwala naman si Cabotaje na nadala lang ng bugso ng damdamin ang pangulo dahil nais lamang niyang maproteksyunan ang mga Pinoy laban sa COVID-19.

“Ang ating bakuna ay free and prior informed consent kaya kailangan magpirma sila ng consent para magbakuna. I think it is borne out of the passion and the need of the President to emphasize the point na kailangan magpabakuna to help us move on para maproteksiyunan ang one another,” ani Cabotaje.

Facebook Comments