PH Internet speed ,bumilis ng 741% para sa fixed at 341% para sa mobile sa ilalim ng Duterte administration

 

BUMILIS ang pinakahuling fixed broadband download speed ng bansa sa 66.55Mbps, mas mataas ng 741.34% sa 7.91Mbps speed na naitala sa pagsisimula ng Duterte administration noong July 2016, ayon sa report ng Ookla’s Speedtest Global Index para sa Hunyo.

Tumaas naman ang pinakahuling mobile speed sa 32.84Mbps mula sa 7.44Mbps speed o bumilis ng 341.40% sa naturang panahon.

Sinimulan ng Speedtest Global Index ang monthly global rankings noong August 2017. Noong panahong iyon, ang internet speed ng bansa ay ranked 94th sa 133 bansa para sa fixed broadband at 100th sa 122 bansa para sa mobile.


Sa kasalukuyan, sa 181 bansa, ang fixed broadband speed ng Filipinas ay nasa ika-62 puwesto. Para naman sa mobile, sa 137 bansa, ang PH ay nasa ika-75 puwesto.

Ang fixed broadband average download speed na 66.55Mbps noong Hunyo ay nagtala ng 3-notch increase sa global ranking kumpara noong nakaraang Mayo. Ang mobile average download speed na 32.84Mbps sa mobile ay nagtala naman ng
2 -notch increase sa global ranking kumpara noong nakaraang Mayo.

Sa 50 bansa sa Asia, ang PH internet speed ay nasa ika-17 puwesto na ngayon para sa fixed broadband at ika-23 puwesto paea sa mobile.

Sa Asia-Pacific, ang Filipinas ay pang-14 para sa fixed broadband at pang-13 para sa mobile sa 46 bansa. Sa ASEAN, ang PH ay nasa ika-5 puwesto kapwa sa fixed broadband at mobile sa 10 bansa.

Ang malaking pag-angat sa rankings ng Filipinas sa mga nakalipas na buwan ay dahil sa malawakang suporta ng Duterte administration sa pag-iisyu ng LGU permits na kinakailangan para mapabilis ang paghusay ng telco infrastructure.

Facebook Comments