Manila, Philippines – Wala pang sinusunod na timeline ang Philippine Navy para sa pag-aalis sa BRP Gregorio del Pilar na sumadsad sa Hasa-Hasa shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Navy Flag-Officer-In-Command, Vice Admiral Rober Empedrad, malalaman lamang ang kabuoang pinasala kapag naialis ng dalawang tugboats ang barko sa lugar.
Dagdag pa ni Empedrad – ang China, South Korea, Estados Unidos, maging ang mga kapitbahay nating bansa sa Asya ay nag-alok na rin ng tulong para sa recovery operations.
Ang BRP Gregorio del Pilar ay isa sa tatlong Hamilton-class cutters na nabili ng Philippine Navy mula sa United States Coast Guard.
Facebook Comments