PH Red Cross, makikipag-ugnayan sa Pfizer at AstraZeneca para sa “Buy 1, Donate 1”

40

Nagkikipag-ugnayan na ang Philippine Red Cross (PRC) sa Pfizer at AstraZeneca para sa ‘Buy 1, Donate 1’ COVID-19 vaccine program sa bansa.

Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, layon nitong mabigyan ng bakuna ang isang indibidwal na siya namang mag-i-sponsor sa iba.


Ania, target nilang makuha ang isang milyong bakuna.

Pero para makuha ito, maaari aniyang unti-untiin ito sa 200,000 hanggang 250,000 hanggang sa maabot ang target na bilang.

Maliban dito, sinabi ni Gordon na pinag-aaralan pa rin ng PRC ang posibleng halaga ng COVID-19 vaccine na maglalaro sa P1,500 pababa.

Dagdag pa nito na handang tumulong ang PRC sa gobyerno sa kung kinakailangan nito ng tauhan sakaling mayroon nang bakuna kontra COVID-19 sa bansa.




Facebook Comments