Nakapagtala ang Philippine Red Cross (PRC) ng 23% positivity rate sa COVID-19 test nito sa buong bansa.
Ayon kay PRC Chairperson Senator Richard Gordon, nangangahulugan lamang na tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Paalala ni Sen. Gordon sa publiko na sundin ang basic health protocols sa harap ng surge ng COVID-19 infections sa bansa.
Sa unang bahagi ng Marso, sinabi ni PRC Molecular Laboratories Chief Dr. Paulyn Ubial na nakapagtatala lamang sila ng seven hanggang 11% positivity rate sa COVID-19 test.
Ang surge ng COVID-19 cases ay resulta ng mabagal na contact tracing at kabiguan ng ilang mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 na i-report ang kanilang kondisyon sa mga kinauukulan.
Bukod dito, napupuno na rin ang mga isolation facilities ng mga dinapuan ng virus.