
Nagbabala ang Philippine Embassy sa Israel sa mga Pilipino hinggil sa panganib sa panonood ng interception sa missile.
Ito matapos na maglabas ng report ang Israel Defense Forces Home Front Command na karamihan sa mga nasugatan sa missile impact sa Arad at Dimona sa Israel ay ang mga hindi pumasok o hindi agad nakarating sa shelter matapos makatanggap ng emergency alert.
Napag-alaman din ng Embahada na ilan sa mga nasugatan ay nanonood ng interception sa labas o nakadungaw sa bintana habang may sirena.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Philippine Embassy sa Filipino community na kapag nakatanggap ng emergency alert, agad nakarating pumasok sa pinakamalapit na shelter at huwag hintayin pa ang second alert o ang pagtunog ng sirena.
Huwag ding manood o mag-video ng interception at iwasang dumungaw sa bintana.
Nagpaalala ang embahada na walang pinipiling komunidad ang missile o ang mga debris mula sa interception ng bomba.










