Nanawagan ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) sa mga consumer na huwag mag-stock ng sobrang vitamins sa harap ng mataas na demand ngayong COVID-19 pandemic.
Ayon sa PHAP, ang mataas na demand sa vitamins ay nagdudulot na ng artificial medicine shortage.
Mahalagang mabigyan pa rin ng supply ng essential medicines ang vulnerable patients at at-risk groups.
Pinaiigting na nila ang produksyon ng mga vitamins para maabot ang “good level” ng imbentaryo.
Hinihikayat ang mga pasyente na bumili at gumamit ng gamot na nireseta sa kanila ng mga doktor.
Facebook Comments