Pharmacist, Huli sa Overpriced na Alcohol

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang pharmacist sa ikinasang entrapment operation ng CIDG pasado alas onse ng umaga kahapon sa Aparri, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Mary Ann Dela Cruz, nasa hustong edad at residente ng Brgy. Centro 15 ng nabnggit na bayan. Ayon sa imbestigayon ng mga otoridad, dinakip ang suspek matapos mapagbentahan ang isang ahente ng CIDG Regional Field Unit ng isang (1) galon ng 70% Isopropyl Alcohol sa halagang P1,000. Ang nasabing halaga ay lagpas sa itinakdang Suggested Retail Price(SRP) na P520. Malayong mas mataas ito ng mahigit P400.

Nakumpiska kay Dela Cruz ang dalawang (2) galon at tatlong (3) litro ng alcohol, apat (4) na walang lamang galon ng alcohol at P1,000 na nagsilbing buy-bust money.


Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 7581(Price Act) may kaugnayan RA 11469 at RA 7394 (Consumer Act). Sa ngayon ang suspek ay nasa pangangalaga pa rin ng CIDG-RFU2.

Attachments area

Facebook Comments