Bigo ang Pharmally Pharmaceutical Corporation na patunayan ang nasa P33 milyong formal deeds na umano’y ipinamahagi sa ilang lokal na pamahalaan at ahensya sa bansa.
Ayon sa auditor ng kompanya na si Iluminada Sebial, inilabas ni “Aya”, sekretarya ng isang mataas na opisyal ng Pharmally na si Mohit Dargani ang listahan ang mga benepisyaryo ng donasyon.
Kabilang sa mga ito ang:
• Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
• Taguig City Hall
• VRP Medical Center
• San Juan City Hall
• Quezon City Hall
• Quezon City Council
• Provincial Government of Cavite
• Navotas City Hall
Nang tanungin ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon kung nasaan ang mga papeles, ang tanging sagot lamang ng mga ito ay hindi naipasa ng mga benepisyayo ang kinakailangan dokumento.
Hindi rin daw sigurado si Pharmally Director Linconn Ong sa mga binabanggit na record ng mga ito.
Dahil dito, nagdesisyon ang komitee na kumuha ng forensic accountant upang rebyuhin at imbestigahan ang ilang transaksyon at deklarasyon ng kontrobersyal na kumpanya.