Pharmally officer na nagbunyag sa anomalya ng kompanya, hindi na makontak – Sen. Gordon

572

Hindi na makontak ng mga senador ang tauhan ng Pharmally Pharmaceuticals Corp., na nagbigay ng kontrobersyal na testimonya hinggil sa idine-deliver nilang COVID-19 supplies sa gobyerno.

Sinabi mismo ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon.


Ayon sa senador, inalok pa nila si Krizle Grace Mago na mabigyan ng proteksyon ng Senado pero humiling muna siya ng oras para ito ay pag-isipan.

Sa nagdaang pagdinig ng Senado, matatandaang inamin ni Mago na nagbebenta ang kanilang kompanya ng sira-sira o expired nang mga face shield.

Ang pagdinig ay bahagi ng imbestigasyon ng Senado ukol sa overpriced na COVID-19 medical supplies na binili ng gobyerno noong nakaraang taon.

Facebook Comments