Pharmally Pharmaceutical Corp. Executive Krizle Grace Mago, haharap na sa huling pagdinig mamaya ng Kamara

Haharap na mamaya sa moto proprio investigation ng House Committee on Good Government and Public Accountability si Pharmally Pharmaceutical Corp. Executive Krizle Grace Mago.

Ito ay matapos magtungo noong Biyernes si Mago sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para humingi ng protective custody.

Ayon kay Good Government and Public Accountability Chairman Michael Aglipay, magpapatuloy ngayong umaga ang pagdinig kaugnay sa 2022 COA report ng Department of Health (DOH) at ang kontrobersyal na pagbili ng pamahalaan ng medical supplies sa Pharmally, kung saan itinuturing si Mago na “important witness” ng komite matapos nitong ibunyag ang pagpapalit ng production date sa mga face shields na binili ng gobyerno.


Limitado lamang din ang mga kongresista sa pagkwestyon kay Mago na patungkol lamang sa isyu o sa iniimbestigahan ng Kamara.

Matatandaang kusang loob na nagtungo si Mago sa Kamara para humingi ng proteksyon matapos na makaranas ng pressure sa naunang pagharap nito sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi rin ni Aglipay na ito na ang huling pagdinig ng kaniyang komite sa nasabing kontrobersiya.

Facebook Comments