Phase 1 ng National Broadband Plan, posibleng magamit na sa susunod na taon!

Posibleng magamit at mapakinabangan na sa bansa ang “National Broadband Plan” sa susunod na taon.

Sa budget deliberation ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Senado, sinabi ni Senator Grace Poe na sa ngayon ay 73 percent nang tapos ang nasabing Phase 1 at posibleng sa kalagitnaan ng 2023 ay matapos ito.

Sabi pa ni Poe na realign ang ilang pondo nito, kung saan P100 milyon ang inilaan sa Vaccine Information Management System at P20 milyon naman sa National Privacy Commission (NPC) dahil nangangailangan ito ng karagdagang pondo para sa mga data privacy issue na kanilang iniimbestigahan.


Dagdag pa ng senadora, P100 billion ang inilaan na budget para sa naturang proyekto, pero tinatayang 5% pa lamang ang naibibigay na pondo ng pamahalaan.

Facebook Comments