PCG, magbibigay ng brief situation kay US Vice President Kamala Harris kaugnay sa maritime patrol sa West Philippine Sea

Handa na ang mga detalye sa gagawing briefing situation ng Philippine Coast Guard (PCG) kay United States of America Vice President Kamala Harris sa pagtungo nito sa Palawan sa susunod na linggo.

Ang pagtungo ni VP Harris sa Palawan ay bahagi ng kanyang tatlong araw na State Visit sa Pilipinas na magsisimula ng November 20 hanggang 22.

Sasakay sa BRP Teresa Magbanua si VP Harris kung saan bibigyan siya ng arrival honor ng mga miyembro ng PCG.


Pagkatapos nito ay agad magbibigay ng briefing situation ang PCG kay Harris kaugnay sa maritime patrolling sa West Philippine Sea.

Maliban sa Coast Guard officers, sasamahan din ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Transportation (DOTr) at Local Government Units (LGUs) si VP Harris sa pagsakay sa BRP Teresa Magbanua.

Facebook Comments