Phaseout period sa mga POGO, hiniling ng isang senador na habaan pa ang panahon; agad na pagpapasara sa mga POGO, hindi makatwiran!

Iminungkahi rin ni Senator Sonny Angara na habaan ang phaseout period para sa pagpapaalis ng mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Giit dito ni Angara, ang rekomendasyon na tatlong buwang phaseout period para sa pag-alis ng mga POGO ay hindi makatwiran para sa investors lalo na sa mga malalaki ang pinuhunan sa POGO at nagbabayad naman ng tamang buwis.

Para kay Angara, mas risonable kung maglalaan ng mas mahabang panahon para mapaalis ang mga POGO lalo na’t ang pamahalaan din naman ang nag imbita sa mga ito para mamuhunan.


Sa Chairman’s Report ng Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian, inirekomenda nito ang agarang pagpapatibay ng isang resolusyon na humihikayat sa Executive Department na ipahinto na ang operasyon ng POGO.

Sa report ay binibigyan lamang ng tatlong buwan na palugit para mapatigil ang operasyon ng mga POGO sa Pilipinas.

Sang-ayon din si Angara sa naunang pahayag ni Senate Deputy Majority Leader Senator JV Ejercito na gawing dalawa hanggang tatlo ang phaseout period para sa POGO upang hindi naman ma-turn off ang mga potensiyal na mamumuhan sa bansa.

Facebook Comments