Mga pasyenteng may sakit na alopecia, sentro ng pagtulong ngayong taon ng Global Women Who Rule

Ang mga pasyenteng may sakit na alopecia ang sentro ngayon ng tulong ng Global Women Who Rule o GWWR.

Ayon kay GWWR Founder Apple Esplana-Manansala, taon-taon ay may iba’t ibang silang benepisyaryo at asahan pa aniya ang kanilang mga inihahandang protekto.

Sinabi ni Manansala na bukod sa pagtuturo sa mga kababaihan na magnegosyo ay may mga kabataan din aniya silang tinutulungan para makapag-aral.


Ngayong taon na ito ang ikatlong taon ng pagdaraos ng GWWR Summit kasabay ng selebrasyon ng International Women’s Month.

Kabilang sa profiles na nagsalita sa summit si RMN Networks Executive Vice President and COO Erika Canoy-Sanchez.

 

Ang RMN Networks ay kabilang sa media partners ng Global Women Who Rule.

Facebook Comments