Phil Airforce handang mangasiwa sa NAIA

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Airforce na nakahanda ang kanilang hanay para pangasiwaan ang Ninoy Aquino International Airport.

 

Ito ay matapos na ipagutos ng Pangulong Rodrigo Duterte na i-take over na ng Phil Airforce ang pangangasiwa sa NAIA dahil sa dami ng reklamong kanyang natatangap mula sa mga pasahero.

 

Ayon kay Major Aristedes Galang ang tagapagsalita ng Phil Airforce mayroong reserve force ang kanilang hanay para tutukan ang pangangasiwa sa NAIA.


 

Ang reserve force aniya nila ay nakalaan sa mga sitwasyong kakailanganin ang kanilang tulong.

 

Kaya hindi raw ito makakaapekto sa kanilang operasyon.

 

Pero sa ngayon wala pa aniyang partikular na direktiba ang Malacanang sa Phil Airforce kaugnay sa utos ng pangulo.

Facebook Comments