Kinumpirma ng Philippine Army na bangkay ng teroristang si Abdul Rahman ang isa sa narekober na labi sa Maguindanao noong nakaraang linggo.
Ayon kay 6th ID Commander, Major General Cirilito Sobejana, isang Iraqi national si Rahman at miyembro ng ISIS.
Aniya, eksperto si Rahman sa paggawa ng improvised explosive device o IED at responsable sa pagsasanay ng mga local terrorist sa Central Mindanao.
Sabi pa ni Sobejana, si Rahman rin ang nagdala ng mga itim na flag ng ISIS sa bansa na ginagamit ng mga iba’t-ibang teroristang grupo.
Isa rin daw si Rahman sa mga foreign terrorists na na-monitor na pumasok sa bansa at kagrupo ni Abu Toraype at kabilang sa 10 terorista na nagtungo sa Central Mindanao.
Patuloy namang inaalam ng militar kung kasama ang mga teroristang sina si Mawiyah at Salahuddin Hassan sa 20 napatay na terorista sa Mindanao.