PRRD, nagpaabot ng pakikiramay sa nangyaring shooting incident sa The Netherlands

Photo Courtesy: PCOO

Manila, Philippines – Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaan ng The Netherlands dahil sa malagim na mass shooting sa Utrecht.

Sa presentation ng credentials ni The Netherlands Ambassador to the Philippines Saskia Elisabeth De Lang sa MalacaƱang, sinabi ng Pangulo na ikinalulungkot niya ang nangyari.

Ayon sa Pangulo, kailangan na tanggapin ang insidente dahil iba na ang takbo ng mundo ngayon.


Aniya, hindi maikakaila na laganap na ang terorismo sa ibaā€™t- ibang bahagi ng mundo kaya dapat magkaisa ang lahat para labanan ang karahasan.

Nagpasalamat naman ang bagong ambassador ng The Netherland sa pakikiramay at simpatiya ng Pangulo.

Facebook Comments