MANILA – Umakat na sa 2,235 mga deboto ang nilapatan ng lunas ng Philippine Red Cross sa katatapos lang na traslacion ng itim na Nazareno.Batay update ng Red Cross – sa kanilang istasyon sa liwasang Bonifacio naitala ang pinakamataas na bilang ng mga pasyente.Karamihan sa mga pasyente o nasa 879 ang kinuhanan ng blood pressure.Habang mayroong 479 na pasyente na nagtamo ng minor injuries gaya ng sugat o galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dumaing ng pananakit ng ngipin, pagkahilo, stiff neck, allergy at iba pa.Labingdalawa sa mga nilapatan ng lunas ng red cross ay inirekomendang madala sa ospital kabilang ang pasyente na nakaranas ng pananakit ng tiyan, hypertension, bali sa katawan, nawalan ng malay, nakaranas ng seizure, nagtamo ng 2nd degree burn, at nanikip ang dibdib.Samantala, kasabay ng mapayapang pagdiriwang ng pista ng itim na Nazareno, hindi pa rin aalisin ng Phil. National Police ang umiiral na full alert status.Sa interview ng RMN kay NCRPO Dir. Oscar Albayalde – ito ay bunsod ng paparating na pista ng Santo Niño at ang 2016 Miss Universe pageant sa Jan. 30.
Phil. Red Cross – Nakapagtala Ng Mahigit 2,000 Sugatan Sa Katatapos Lang Na Traslacion Ng Itim Na Nazareno – Full Alert
Facebook Comments