=Nasa 4 percent pa lamang ang nabayaran mula sa kabuuang ₱26 billion reimbursement claims ng mga pribadong ospital sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ang sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) President Dr. Jose Rene de Grano, higit isang taon mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay De Grano, kahit palaging sinasabi ng PhilHealth na nagbayad na sila ng mga utang sa mga ospital ay kaunti pa lang dito ang talagang binayaran na.
Kadalasan na binabayaran daw ng PhilHealth ay ang mga non-COVID cases habang hindi pa rin bayad ang karamihan ng mga COVID-19 related claims noong nakaraang taon.
Facebook Comments