PHILHEALTH ACCREDITATION NG PEOPLE’S GENERAL HOSPITAL, KINANSELA!

*Tuguegarao City* – Kinumpirma ng PhilHealth na nakansela ang re-accreditation ng People’s General Hospital sa Tuguegarao City matapos itong masangkot sa maanomalyang double at ghost claim.

Ayon kay Mrs. Aileen Lim, Social Insurance Officer, naunang hindi tinanggap ng kanilang tanggapan ang re accreditation ng naturang hospital dahil sa kinasangkutan nito.

Maliban sa nasabing hospital, ilan pang private health care providers sa lalawigan ng Cagayan ang mahigpit ngayong binabantayan ng PhilHealth.


Sa ngayon, hindi pa pinangalanan ang mga hospital na ito habang gumugulong ang imbestigasyon.

Ayon pa kay Mrs. Lim, nakikipag ugnayan din ang kanilang ahensya sa iba pang sangay ng pamahalaan tulad ng NBI para sa mas malalimang imbestigasyon.

Sakaling mapatunayan na nagkaroon ng paglabag ang mga hospital na ito ay hindi sila magdadalawang isip na kanselahin din ang kanilang mga accreditation.

Ayon naman kay Mr. Jay ar De Guzman, clerk officer ng PhilHealth Cauayan city, batay sa kanilang hawak na datos at sa resulta ng imbestigasyon kasama ang NBI, umabot na sa 750 kasong administratibo ang naisampa laban sa pamunuan ng mga health care providers o hospital na napatunayang sangkot sa double at ghost claim.

Samantala, kinumpirma rin ni Ginang Lim na naibalik na ngayon ang re-accreditation ng People’s General Hospital.

 

tags: RMN NEWS,philhealth,Duterte, cauayan city, Aileen Lim, ifm cauayan, UHC, social insurance,peoples general hospital,tuguegarao city, ghost claim, double claim, jay ar de guzman

Facebook Comments