Posibleng ipahinto ni bagong PhilHealth Chief Dante Gierran ang implementasyon ng kontrobersyal na Interim Reimbursement Mechanism (IRM).
Sinabi ni Gierran, ang IRM ay para lamang sa mga hospital-beneficiaries na mayroong COVID-19 cases subalit nagagamit ang pondo sa ibang paraan.
Aniya, ginagamit ang IRM para sa pagbibigay ng cash advances sa mga ospital.
Bukod dito, ang IRM ay ipinatutupad ng PhilHealth kahit walang approval mula sa board.
“Why will you not seek a board approval? It’s a corporation that operates through board resolutions, so why make an exemption out of COVID? How long does it take to issue or deliberate board resolutions,” sabi ni Gierran.
Ang marching order ni Gierran mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ay ihinto ang korapsyon sa PhilHealth at ipakulong ang mga tiwali.