PhilHealth Chief Ricardo Morales, ipinaliwanag ang reimbursement scheme

Dinipensahan ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Ricardo Morales ang pagbuo ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) na sinasabing isa sa pinagmumulan ng korapyson sa ahensya.

Ayon kay Morales, bilang unang rumeresponde sa COVID-19 pandemic, trabaho ng PhilHealth na ipatupad ang IRM at payagan ang mga ospital na hindi muna i-liquidate ang pondo.

Ang IRM ay inilalabas base sa historical claims ng mga ospital at sumasailalim ito sa application, evaluation, validation at recommendation sa kanilang regional offices bago aprubahan sa kanilang main office.


Iginiit ni Morales na ini-evaluate ang IRM fund distribution sa mga lugar na may mataas ang kaso ng COVID-19 o mga lugar na umabot na sa full capacity ang kanilang hospital beds.

Dagdag pa ni Morales, dumadaan ang IRM sa mahigpit na accounting at auditing rules ng pamahalaan at nangangailangan ng reconciliation at liquidation.

Ang IRM fund ay iniaalok sa lahat ng healthcare facilities kabilang ang lying-in centers at dialysis clinics.

Facebook Comments