PhilHealth contributions ng mga miyebro, asahang tataas!

Asahan na ang dagdag kontribusyon sa mga miyembro ng PhilHealth.

Ito’y kasabay ng paglagda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Health Care Law.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kailangang magtaas ng premium contributions kapalit ng mga benepisyo.


Magkakaroon na kasi ng primary healthcare worker o provider ang bawat mamamayan.

Sa ilalim ng batas, awtomatikong miyembro na ng PhilHealth ang lahat ng mga Pilipino.

Wala na ring babayaran sa ospital na higit sa halaga ng PhilHealth package ang mahihirap.

Tiniyak naman ni PhilHealth President Ricardo Morales na hindi mawawaldas ang pera ng ahensya.

Siniguro naman ng mga mambabatas na popondohan sa taunang pambansang budget ang Universal Health Care Act.

Facebook Comments