“PhilHealth holiday” sa Enero, hindi na muna itutuloy ng PHAPI

Ipinagpaliban ng mga pribadong ospital ang pagkakasa ng “PhilHealth holiday” sa unang limang araw ng Enero sa 2022.

Ayon kay Dr. Jose Rene de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI), napagkasunduan ng kanilang mga miyembro na huwag munang ituloy ang kanilang protesta kasunod na rin ng pakiusap ng mga pasyente.

Bibigyan din muna nila ng karagdagang panahon ang state insurer na bayaran ang bilyun-bilyon nitong utang sa mga pribadong ospital.


Una rito, inanunsyo ng PHAPI na magsasagawa sila ng “PhilHealth holiday” mula January 1 hanggang 5.

Sakaling matuloy, sasaluhin muna ng mga pasyenteng ma-admit sa ospital ang lahat ng bayarin at maire-reimburse lamang nila ito kung sila mismo ang direktang mag-aasikaso ng kanilang mga papeles sa PhilHealth.

Samantala, nilinaw ni De Grano na tuloy pa rin ang planong pagkalas sa PhilHealth ng pitong private hospital sa Iloilo sa 2022 dahil sa delayed payment ng COVID-19 claims.

Facebook Comments