PhilHealth, iginiit na hindi sila ang dapat sisihin sa posibleng pagkalugi ng mga ospital

72

Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi sila ang dapat sisihin sa posibleng pagkalugi ng mga ospital.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PhilHealth Spokesperson Dr. Shirley Domingo na isa sa dahilan ng pagkalugi ng mga ospital ay ang pag-unti ng mga pasyente noong nakaraang taon dahil sa pangambang dito pa mahawa ng COVID-19.


Paliwanag ni Domingo, hindi lang naman sila ang pinagkukunan ng pondo ng mga ospital kundi ang mga kagaya ng laboratory fees.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay ilang mga pribadong ospital na ang nagsasabing nangangamba na silang magsara dahil sa mga unpaid claims mula sa PhilHealth.

Facebook Comments