Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maisama sa coverage ang gastos ng pasyenteng nananatili sa mga hospital tent.
Kasunod ito ng umano’y paniningil ng mga ospital ng P1,000 kada oras sa mga COVID-19 patient na nasa hospital tent.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan din ng Pangulo ang PhilHealth na maisama sa health insurance coverage ang gastos sa RT-PCR test, pati na rin sa pag-isolate ng mga mild at kritikal na mga pasyente.
Una nang tiniyak ni PhilHealth Spokesperson Rey Baleña na nire-review na nila ang kanilang polisiya para matugunan ang mga COVID-19 patient na nasa hospital tents.
Facebook Comments