PhilHealth, ire-review ang higit 8,000 pesos COVID-19 package kasunod ng alegasyong overpricing

Bubusisiin muli ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang COVID-19 package nito bilang tugon sa mga alegasyon ng overpricing.

Sa pagdinig ng Senado, tinanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung bakit umaabot sa ₱2,700 ang presyo ng test kits para sa ₱8,150 package.

Binanggit din ni Senator Drilon na ang Sansure COVID-19 test kits mula China ay nagkakahalaga lamang ng 750 pesos kada kit, habang ang Philippine Red Cross (PRC) ay kayang makapagsagawa ng test ng hanggang ₱3,500.


Ayon kay PhilHealth President Ricardo Morales, ang halaga ay nakabatay sa datos na nakolekta noong nagsisimula pa lamang ang pandemya.

Sinabi ni Morales, na inihahanda na nila ang ikalawang COVID-19 testing rates.

Aniya, marami pang test kits na paparating na mura ang halaga at i-aayon nila ito sa kanilang case rate estimates.

Iginiit din ni Morales na ang screening at clinical assessments ay mahalagang hakbang para sa pangongolekta ng specimen para sa pagsasagawa ng COVID-19 test, pero sisilipin din nila ito dahil hindi ito ginagawa ng ilang clinics.

Aminado ang PhilHealth na mataas ang kanilang pagtaya sa halaga ng COVID-19 testing.

Hihingi na ng tulong ang PhilHealth sa PRC para sa breakdown sa halaga ng testing upang maunawaan nila ito.

Facebook Comments