Philhealth, itinagging pinababayaan nila ang ilang kaso ng panlololoko ng mga Dialysis Center

Itinanggi ng Philippine Health Insutamce Corporation o Philhealth na isinasa-walang bahala nila ang mga akusasyon hinggil sa isyu ng umanoy panloloko ng ilang Dialysis Center sa buong bansa.

 

Ayon kay Dr. Roy Ferrer, acting President at CEO ng Philhealth. Gumagawa na sila ng paraan para mapanagot ang mga nasa likod ng mga panloloko.

 

Sa katunayan, mariin nilang isinusulong ang anti-fraud campaign kung saan nakikipag-ugnayan sila sa NBI, PRC, Philippine Hospital Association at Philippine Medical Association para matukoy ang ilang personalidad na nasa likod ng umano’y mafia sa loob ng philhealth.


 

Hindi din daw susuko ang kasalukuyang administrasyon ng Philhealth para tuluyang matigil o mawala na ang panloloko ng mga dialysis center.

 

Kasabay nito, hinihimok din ni Ferrer ang lahat ng mga miyembro, empleyado at mga partners nito na tumulong upang maputol na ang ganitong iligal na gawain.

Facebook Comments