PhilHealth, itinangging napunta sa korapsyon ang P15 billion

Mariing itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nawalan sila ng P15 bilyon dahil sa korapsyon.

Ito ang sagot ng ahensya sa alegasyon ng nagbitiw na Anti-Fraud Officer na si Thorrsson Montes Keith.

Sa kanilang official Facebook page, pinabulaanan ng state insurance agency na ibinulsa ng ilang opisyal ang nasabing halaga ng pera.


Ang nasabing pondo ay inilabas sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) para sa 711 healthcare facilities sa buong bansa para matiyak ang financial liquidity sa panahon ng pandemya.

Ang IRM ay nagbibigay sa mga ospital na makapagfocus sa patient management at maihanda sila ng mga kakailanganing medical resources tulad ng gamot.

Una nang hinamon ni PhilHealth Chief Ricardo Morales si Keith na patunayan ang kaniyang mga akusasyon.

Facebook Comments