PhilHealth, kayang magbigay ng indemnification sa mga mababakunahan ng COVID-19 vaccine

Tiwala ang Department of Health (DOH) na kaya ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magbigay ng indemnification sa mga COVID-19 vaccine recipients sakaling makaranas sila ng adverse effects.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang pondo para dito ay hindi kasama sa corporate operating expenses ng ahensya.

Kaugnay nito, nakatakdang magpulong ang PhilHealth board sa Huwebes para pag-usapan ito.


Sinabi ni PhilHealth President and CEO Dante Gierran, pinag-aaralan nila ang benefit package kapag nakaranas ng side effects ang mga mababakunahan.

Pagtitiyak ni Gierran na mayroong reserbang pondo para dito.

Ang PhilHealth ay handa para tulungan ang bawat Pilipino.

Facebook Comments