PhilHealth, magpupulong para plantsahin ang utang sa PRC

Magsasagawa ng board meeting ngayong araw ang PhilHealth para ayusin ang problema sa hindi nabayarang utang sa Philippine Red Cross (PRC).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, papakiusapan ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez si PhilHealth President Dante Gierran na agad solusyunan ang problema para hindi matengga sa quarantine hotels ang mga returning OFWs.

Sa ngayon, nasa 7,000 returing overseas Filipinos na ang stranded sa 126 na quarantine hotels sa Metro Manila dahil sa mabagal na paglalabas ng swab test results.


Matatandaang itinigil ng PRC ang libreng COVID-19 swab test at pagproseso para sa umuuwing OFWs, medical frontliners at iba pang mga Pinoy dahil sa halos P1 bilyong utang ng PhilHealth.

Samantala, maglalabas naman ng legal opinion ang Department of Justice (DOJ) ukol sa kasunduan ng PhilHealth at PRC.

Anumang araw ngayong linggo, ilalabas ng DOJ ang resulta ng kanilang pag-aaral.

Facebook Comments