PhilHealth, maituturing na mahinang bahagi ng health system ng bansa

41

Ikinalungkot ni Senator Sonny Angara na maituturing ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ngayon na weak link o mahinang bahagi ng ating health system.

Pahayag ito ni Angara sa harap ng planong PhilHealth holiday ng mga ospital mula January 1 hanggang 5 sa susunod na taon bilang protesta sa kabiguan ng PhilHealth na bayaran ang kanilang claims.

Giit ni Angara sa PhilHealth, repasuhin ang reimbursement procedures nito para mabayaran ang mga ospital.


Mungkahi ni Angara sa PhilHealth, kumuha ng finance professionals at mga actuaries and management experts.

Diin ni Angara, mahalaga ang maayos na pangangasiwa sa pananalapi ng PhilHealth dahil nakasalalay dito ang epektibong implementasyon ng Universal Health Care Law.

Facebook Comments