Aminado ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi madali ang magpatakbo ng insurance funds partikular na ang PhilHealth.
Sa isinagawang presscon sa pamamagitan ng Zoom, sinabi ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na ang pondo ng PhilHealth ay nakasalalay umano sa sources nito.
Dagdag pa ng opisyal, ngayon na may Universal Health na kaya lahat ng mga Pilipino ay saklaw ng PhilHealth at dahil umano sa COVID-19 pandemic ay marami ang umiiwas sa mga ospital.
Sa usapin naman ng demolition job, sinabi ni Morales na nandiyan na umano ito at ang isyu naman ng resignation ay nasa individual choice na ng mga empleyado kung magbibitiw sa kanilang mga posisyon.
Paliwanag pa ni Morales, kailangan ng forensic audit sa ₱154 billion na fund fraud upang malaman ang buong katotohan sa likod ng maanomalyang usapin.
Giit ni Morales, mayroon umanong sapat na pondong pambayad sa mga miyembro hanggang sa susunod na taon.
Magkakaroon din aniya ng Government intervention sa insurance fund.