PhilHealth nagbabala laban sa ‘fake raffle’ promo

102

Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na walang “libreng pabahay” raffle promo silang pinakakalat.

Ito ang babala ng PhilHealth sa publiko kasunod ng kumakalat sa Facebook na anunsyo umano ng ahensya kaugnay sa kanilang anibersaryo sa February 2020.


Batay sa post ng Facebook page na “PhilHealth Updates Online” mag-like at share lamang ng kanilang announcement ay maaari nang manalo ng bahay.

Bukod dito ay isang Efeiram Oicatse na may FB page na PhilHealth registration online ang nagpapakalat ng impormasyon sa Region 1 na makakatulong siya para magparehistro bilang miyembro at naniningil ng P170.

Ayon kay PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo, walang sinumang indibidwal o grupo na binibigyan ng otorisasyon para sa isang promo lalo na ang mag-solicit ng pera para maging miyembro dahil libre ang membership registration.

Ini-report na ng PhilHealth sa Facebook ang nabanggit na dalawang FB page kasabay ng paalala sa publiko na huwag maniniwala sa ganitong ‘modus’.

Facebook Comments

From Advertisers